Matapos mahinto nang dalawang taon dahil sa pandemya, balik-panata ang mga taga-Barangay Hagdan Bato, Libis sa Mandaluyong City ngayong Kuwaresma. Nagkaroon muli ng "pagtatatak" o ang paghampas sa likod gamit ang bulyos at kadena bilang penitensya.<br /><br />Sa bawat hampas ng kadena, naniniwala ang mga namamanata na dinidinig ng Diyos ang kanilang mga panalangin at hinuhugasan nito ang kanilang kasalanan.<br /><br />Ang halos 50 taong tradisyon, silipin sa video.